TINANGGAL na sa pwesto ang provincial director ng Laguna Police Provincial Office na si Police Colonel Rogarth Campo.
Ito, ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo upang bigyang-daan ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa mga nawawalang sabungero.
Una nang nabunyag sa pagdinig ng Senado na si Campo ay tumanggap umano ng isang milyong piso mula sa Gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang.
Iginiit din ng PNP na mayroon pa silang malawak na imbestigasyon kaugnay sa insidente hanggang sa matukoy nang tuluyan ang sinumang nasa likod ng pagkawala ng maraming sabungero simula pa noong Enero sa ilalim ng binuong special investigation task group ng PNP.
Epektibo ngayong araw, inilagay si Campo sa Personnel Administrative Unit ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) sa Camp Crame.
Samantala, inilipat naman sa Regional Holding and Accounting Unit ng Police Regional Office (PRO) 4A sina Patrolman Roy Navarete at Police Staff Sergeant Daryl Paghangaan na idinadawit din sa umano’y pagkawala ng ilang sabungero.
Sa huli, nangako ang PNP na hindi nila bibitawan ang kaso hanggat hindi napapanagot ang taong dawit sa kason kidnapping at illegal detention sa mga biktima.
BASAHIN: 2 PNP officer, sinibak sa pwesto sa umano’y pagdukot sa ilang sabungero