Pinoy boxer Mark Magsayo, balik sa U.S. para magsanay

Pinoy boxer Mark Magsayo, balik sa U.S. para magsanay

AALIS ng bansa si WBC Featherweight Champion Mark “Magnifico” Magsayo ngayong linggo para simulan ang paghahanda para sa kanyang unang title defense.

Pagkatapos ng maikling pahinga, babalik ito sa Los Angeles para magsanay kasama si Coach Freddie Roach para sa nakatakdang laban kontra kay Rey Vargas ng Mexico sa Hulyo 9 sa San Antonio, Texas.

Huling nakitang lumaban ang 31-anyos na si Vargas noong Nobyembre 2021 na may unanimous decision na panalo laban sa kababayang si Leonardo Baez.

Bago iyon, limang sunod na beses na ipinagtanggol ng Mexican star ang WBC Super Bantamweight Belt mula noong manalo sa bakanteng trono noong Pebrero 2017 laban kay Gavin McDonnell ng United Kingdom.

Tinalo ni Vargas sina Ronny Rios, Oscar Negrete, Azat Negrete, Franklin Manzanilla, at Tomoki Kameda patungo sa Super Bantamweight Supremacy.

Samantala, sinabi ng MP promotions president na si Sean Gibbons na alam nilang si Vargas ang susunod sa linya sa sandaling makuha ni “Magnifico” ang majority decision win laban kay Russell.

Matatandaang bumalik ito sa bansa matapos niyang makamit ang WBC Belt mula sa long-reigning champion na si Gary Russell noong Enero.

Bago naman umalis ng bansa, nag-courtesy call pa si Magsayo sa kanyang pangunahing benefactor na si Senator Manny Pacquiao at kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Follow SMNI News on Twitter