INIENDORSO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 17 senatorial candidates sa darating na May elections, na karamihan ay mula sa UniTeam tandem nina BBM at Inday Sara at ng PDP-Laban na nakahanay sa Pangulo.
Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban Proclamation Rally sa Cebu noong Huwebes, ay sinabi ng Pangulong Duterte na sinusuportahan niya ang mga sumusunod na senatorial aspirants:
Alan Peter Cayetano
Astra Pimentel
Gilbert Teodoro
Gov. Chiz Escudero
Greco Belgica
Gringo Honasan
Harry Roque
Jinggoy Estrada
JV Ejercito
Mark Villar
Rey Langit
Rodante Marcoleta
Robin Padilla
Senator Loren Legarda
Salvador Panelo
Senator Joel Villanueva
Senator Miguel Zubiri
Sina Estrada, Marcoleta, Honasan, Roque, Teodoro, Zubiri, Legarda, at Villar ay bahagi ng UniTeam senatorial lineup.
Samantala, sina Padilla, Pimentel, Panelo, Langit at Belgica ay bahagi ng PDP-Laban Cusi wing’s slate.
Si John Castriciones, ay hindi pormal na inindorso ni PRRD sa kaganapan, bagaman, kanyang itinalaga upang mangasiwa sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa mga dating rebelde.
“He’s not here right now. I distributed about 100,000 plus. Lahat ng government-owned lands, binigay ko talaga lahat. I’ve distributed about 300,000 land titles,” wika ni PRRD.
Muling iginiit ni Duterte na hindi siya nag-eendorso ng kandidato sa pagka-pangulo.
“I will not be supporting any presidential candidates. Neutral ako. So, this is not a campaign because I am not campaigning particular candidate,”ayon kay Pangulong Duterte.