Babaeng may pakana sa P500-M investment scam, arestado

Babaeng may pakana sa P500-M investment scam, arestado

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation sa Dagupan City ang isang babaeng tumangay ng aabot sa P500-M na pera ng mga kababayang nag-invest sa kanya.

Ang suspek ay nakilalang si Jennifer Gumapos na nambiktima kabilang ang mga Overseas Filipino Worker.

Ayon sa isang biktimang OFW na si Amanda, nag-invest siya sa suspek ng P19-M dahil gusto niya itong lumago.

Samantala, ang isa namang biktima ay nag-invest ng aabot sa P38-M at kasama niyang nag-invest ang kanyang mga kaanak.

Pinangakuan ang mga biktima ng suspek ng 8.5 hanggang 10% na tubo kada buwan base sa perang ipinuhunan.

Noong una, nagbibigay pa ng pera ang suspek ngunit kalaunan ay itinigil na nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter