INIHIHIRIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapatuloy sa nasimulang mga programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Pinakiusapan ni Pangulong Duterte ang mga kandidato na kanyang ikinakampanya na suportahan ang NTF-ELCAC.
Giit ng Pangulo, malaki ang suliranin ng bansa sa usapin ng insurhensiya kaya dapat tutukan ito ng susunod na administrasyon.
Marami na rin aniyang rebelde ang nagbalik-loob sa pamahalaan maliban pa sa mga nalansag na NPA fronts.
Malaki rin aniya ang papel ng NTF-ELCAC upang mabigyang solusyon ang insurhensiya sa bansa.