PRRD, maaari pa ring maging presidente — dating Senate President Enrile

PRRD, maaari pa ring maging presidente — dating Senate President Enrile

MAAARI pa ring maging Presidente ng Pilipinas sa susunod na administrasyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang inihayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile matapos nitong linawin na legal ang pagtakbo ng pangulo para sa pagka-bise presidente sa darating na halalan.

Ani Enrile, mangyayari na magiging presidente ulit si Pangulong Duterte kung magreresign ang mananalong pangulo at papalitan nito.

Aniya, naaayon sa batas ang prosesong ito.

Matatandaan na iginiit ng oposisyon na hindi maaaring tumakbo sa pagka-bise presidente si Pangulong Duterte dahil labag umano ito sa batas.

Kamakailan lang ay isinulong ng mayorya sa mga miyembro ng partidong PDP-Laban ang pagtakbo ni Pangulong Duterte sa pagka-bise presidente sa darating na halalan sa layuning maipagpatuloy ang magandang nasimulan nitong pagbabago at pagpapaunlad ng bansa.

 

SMNI NEWS