PSA, nakapagtala ng halos 28-K nasawi sa COVID-19 sa bansa noong 2020

IPINAHAYAG ng Philippine Statistics Authority (PSA) na halos 28,000 katao ang nasawi mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong 2020.

Ito ay mas higit pa kung doblehin ang bilang mula sa opisyal na death toll ng Department of Health (DOH).

Sa isang report nakaraang Marso 16, inilista ng PSA ang COVID-19 bilang ikapitong nangungunang dahilan ng namamatay sa Pilipinas nakaraang taon.

Nanguna naman sa dahilan ng namamatay sa bansa ang heart disease, neoplasms/cancer, cerebrosvascular disease, diabetes, pneumonia at hypertensive disease.

Ayon sa ahensiya, inilista nito ang confirmed at probable COVID-19 deaths base sa deskripsyon na ibinigay sa medical certificate portion ng death certificate.

Inilista lamang ng DOH ang cofirmed deaths na nairekord sa surveillance system nito.

Sa report ng PSA, mayroong 27,967 COVID-19 deaths o 4.9% ng kabuuang dami ng namamatay noong 2020.

Pito sa sampung COVID-19 deaths o nasa kabuuang 19,758 ay inuuri bilang “COVID-19 with virus not identified” na nangangahulugan na nailitas ang mga ito bilang COVID-19 deaths kahit na hindi pa kumpirmado ang impeksyon sa panahon ng pagkasawi.

Ang natitirang 8,209 COVID-19 deaths ay inuuri bilang “COVID-19 with virus identified.”

Nairekord na lima sa 17 na rehiyon ang mga mahigit 1,000 COVID-19 deaths.

Ang pinakamataas na bilang na nairekord ang National Capital Region (12,582), Calabarzon (6,914), Central Luzon (2,576), Central Visayas (1,863), at Western Visayas (1,080).

Pinakamababa naman ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na nakapagrehistro ng 37 COVID-19 deaths.

Samantala, hanggang Marso 17 ay naitala ng DOH ang kabuuang 12,866 confirmed COVID-19 deaths o 2.02% ng 635,698 cumulative cases sa bansa.

(BASAHIN: Pagkasawi ng healthcare worker, hindi bakuna ang dahilan kundi COVID-19)

SMNI NEWS