Public concerns ukol sa Maharlika Wealth Fund, tinutugunan –DBM chief

Public concerns ukol sa Maharlika Wealth Fund, tinutugunan –DBM chief

MULING nagpahayag ng suporta ang pamunuan ng Department of Budget and Management (DBM) sa panukalang Maharlika Wealth Fund (MWF).

Ginawa ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang naturang pahayag sa ginanap na “Kapihan sa Manila Bay” media forum, araw ng Miyerkules, December 14.

Kaugnay rito, ibinahagi rin ng Budget chief na tinutugunan na ang public concerns sa Maharlika Wealth Fund.

Bilang tugon sa concerns ng publiko, tinanggal ng House Committee on Appropriations ang GSIS at SSS bilang sources ng MWF.

Tiniyak din ng kalihim sa publiko na dumaan ang nasabing panukala sa masusing legislative process na may public consultations.

Kasabay rito, pinawi rin ni Pangandaman ang pangamba ng ilan sa pagpapatupad ng Maharlika Fund sakaling maipasa ang naturang panukala.

Nilahad ng DBM chief ang safeguards ng proposed MWF.

Binigyang-diin ni Pangandaman na mayroong mga pananggalang na inilagay upang itaguyod ang pananagutan at transparency sa pamamahala ng MWF.

Kabilang dito ang pagsunod sa Santiago Principles ng International Working Group of Sovereign Wealth Funds at isang executive department reportorial requirement na ipatutupad kasama ng congressional oversight.

Ibinahagi pa ng DBM Secretary na ang iminungkahing pondo, na magagamit ng pamahalaan upang mapabilis ang development projects, ay naaayon sa layunin ng administrasyon para sa inclusive economic prosperity.

Follow SMNI NEWS in Twitter