NAIS ni Sen. Sherwin Gatchalian na makasali ang mga pampublikong paaralan sa free Wi-Fi program ng gobyerno.
Aniya, mas mabisa itong paraan hinggil sa roll-out ng programa at mas matitiyak pa ang internet connectivity sa mga pampublikong lugar.
Ibinahagi naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nasa 125K public places ang target nila sa kanilang free Wi-Fi program at kasama dito ang mga public school.
Sa ngayon ay nasa 6.7K pa lang na public places ay mayroong libreng Wi-Fi at nasa 13K ang access points.
Iyon nga lang, kinakailangan ng nasa P58-B na pondo bawat taon para sa roll-out.