Publiko, binalaan sa mga scammer na nagbebenta ng nawawalang bagahe sa online

Publiko, binalaan sa mga scammer na nagbebenta ng nawawalang bagahe sa online

BINALAAN ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang publiko laban sa mga nagbebenta sa online ng mga nawawalang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa MIAA, kasama na ang mga airline operator ay meron silang protocols ng safekeeping at disposal ng mga nawawala o naiiwanang mga gamit ng mga pasahero.

At nilinaw ng ahensiya na hindi kasama sa protocol ang pagbebenta sa mga ito sa online.

Sa pahayag ni MIAA OIC Bryan Co, hiniling nito sa publiko na maging mapagmatyag sa pakikipag-ugnayan sa mga online seller at huwag maging easy target ng mga scammer.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter