Publiko, inanyayahang tumalima sa Earth Hour ngayong araw

Publiko, inanyayahang tumalima sa Earth Hour ngayong araw

NANANAWAGAN ang Malakanyang sa buong bansa na makilahok sa taunang Earth Hour, isang pandaigdigang kilusan na layuning maitaas ang kamalayan kaugnay sa climate change at iba pang pagpapahalaga sa kalikasan.

Hinimok ni Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar ang publiko na patayin ang ilaw mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi ngayong araw.

“Today, March 26, 2022, we celebrate Earth Hour. Let us switch off all non-essential lights tonight at 8:30 p.m. as a show of solidarity and active involvement in shaping our future,” pahayag ni Andanar.

Aniya, ang partisipasyon ng publiko sa naturang kilusan ay makatutulong na mabawasan ang nakasisirang epekto ng climate change sa bansa.

“The Philippines is highly vulnerable to the effects of climate change and this year’s Earth Hour is a good reminder that climate change and global warming are real issues that we need to pay more attention to and require urgent action,” ani Andanar.

Nag-umpisa ang Earth Hour bilang switch-off event sa Sydney Australia noong 2007 at naging pandaigdigan kaganapan na nagbibigay inspirasyon ng milyun-milyong tao sa buong mundo  upang magpatay na rin ng kanilang ilaw sa loob ng isang oras.

Naging aktibong partisipante ang Pilipinas mula pa noong 2008 at patuloy na isa sa mga malalaking adbokasiya nito.

Follow SMNI News on Twitter