Publiko, mataas ang ‘expectation’ sa unang 100 araw ni PBBM – PUBLiCUS Asia

Publiko, mataas ang ‘expectation’ sa unang 100 araw ni PBBM – PUBLiCUS Asia

MATAAS ang ‘expectation’ ng taumbayan sa susunod na administrasyon ayon sa lumabas na resulta sa 2022 Pahayag Second Quarter ng PUBLiCUS Asia hinggil sa inaasahan ng publiko sa unang 100 araw ni President Bongbong Marcos Jr.

Gamit ang scale mula 1 hanggang 5 kung saan ang 1 ay ‘very poor’, at ang 5 naman ay ‘very well’, natanong ang mga respondents kung gaano nila ilalarawan ang kanilang expectations sa papasok na pangulo para sa kaniyang unang isang daang araw.

Nasa 68 porsiyento ng mga respondents ay sumagot ng “well” at “very well”, 14 porsiyento naman ang naniniwala na magiging kulelat ito sa kaniyang unang isang daang araw.

Ayon kay Atty. Aureli Sinsuat, Executive Director ng PUBLiCUS Asia, sinasabi ng survey na dalawa sa tatlong Pilipino ay umaasa na magpeperform nang maayos si PBBM sa kaniyang unang isang daang araw.

“Our survey suggests that roughly two out of three Filipinos expect President Bongbong Marcos to perform well during the first 100 days of his presidency. President Marcos Jr. will have to hit the ground running from Day One to live up to these high expectations,” pahayag ni Sinsuat.

Samantala, natanong din ang mga respondents kung ano sa tingin nila ang pinakaimportanteng isyu na dapat unang tutukan ni Marcos Jr.

Nasa 73 respondents ang nagsabi na ang PH Economy ang isa sa sa kanilang top 3 issues kung saan 42 porsiyento ang nagsabi na ang ekonomiya ng bansa ang dapat unang tutukan ni Marcos, 32 porsiyento ang nagsabi na dapat edukasyon habang 53 porsiyento naman ng respondent ang sumagot ng trabaho.

Lumabas din sa survey na majority ng mga respondents ay pabor na  maipagpatuloy ng incoming administration ang mga programa ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte.

Kung saan 79 porsiyento ng respondents ang nagsabi na pabor silang ipagpatuloy nito ang Build Build Build, 73 porsiyento ang nagsabi na suportado nila ang pagpapatuloy ng war on drugs habang 68 porsiyento ay pabor na maipagpatuloy ni Marcos Jr. ang independent foreign policy ni Pangulong Duterte.

Nasa 64 porsiyento naman ang approval rating ng BARMM Transition at 56 porsiyento naman ang nakuha ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Ayon kay Sinsuat, dahil sa popularity ng Pangulo ay hindi na nakagugulat na karamihan sa mga respondent ay gustong maipagpatuloy ang mga programa nito.

“Considering President Duterte’s enduring popularity, it is not surprising that a significant majority of respondents support the continuation of his flagship programs. While the level of policy continuity between the outgoing and incoming administrations remains to be seen, it is reasonable to believe that public opinion on the Marcos Jr. administration will be influenced, at least in part, by its ability to continue and improve upon at least some of the Duterte administration’s more popular flagship programs,” ayon kay Sinsuat.

Follow SMNI News on Twitter