MULING hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipino na makiisa sa “Bakunahang Bayan” vaccination drive na isasagawa ngayong Lunes, December 5 hanggang 7.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, sa bakunahang ito ay pupuntahan sa kanilang mga bahay ang mga nakatatanda, may comorbidities, mga hindi bakunado at mga kabataan edad 5-11 taon.
Maliban sa vaccination sites ay available ang bakunahan sa mga palengke, malls, paaralan, simbahan at iba pang pampublikong lugar.
Sa datos ng DOH hanggang November 20, halos 73.7-M na ang mga Pilipinong fully vaccinated.
20.9-M naman ang nakatanggap ng kanilang unang booster shot at halos 3.5-M ang nakatanggap ng kanilang second booster.