Publiko, pinag-iingat ng DOH sa mga “MA” food ngayong Kapaskuhan

Publiko, pinag-iingat ng DOH sa mga “MA” food ngayong Kapaskuhan

BABALA ngayon ng Department of Health (DOH) na mag-ingat sa pagkain ng “MA” foods ngayong Kapaskuhan.

Litson, fried chicken, caldereta, cakes, leche flan, at iba pang mga pastries.

Yan ang ilan sa malimit o tipikal na inihahanda ng mga Pinoy tuwing Pasko.

Pero, dahan-dahan lang sa pagkain ng mga ito.

Ayon kay DOH Sec. Teodoro Herbosa, dapat hindi tayo masobrahan ng MA foods para sa isang healthy na Pasko.

Ito ang ang mga pagkain na maaalat, matataba at matatamis.

Limitahin din aniya ang pag-inom ng alcohol at sweetened beverages.

Mas maigi na palaging mag-inom ng tubig.

DOH, may paalala sa mga mahilig mag-Sharon o magbalot ng pagkain tuwing may handaan

Ingat-ingat din ang mga mahilig mag-Sharon o magbalot ng pagkain kapag may handaan.

Hindi aniya lahat ng pagkain ay safe na i-take out.

Kung may sintomas ng sakit, ayon kay Sec. Herbosa, mas maiging iwasan ang pagpa-party sa labas.

Kung lalabas, mas maiging magsuot ng face mask para di makahawa sa iba.

Paaala rin ng kalihim, kailangan ang madalas na paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble