PINAG-IINGAT ngayon ng Philippine National Police (PNP) Anti- Cybercrime Group ang publiko laban sa talamak na text scam.
Ito ay kabilang sa nagpapatuloy na crackdown na ginagawa ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga telecommunications firms.
Ayon kay PNP-ACG spokesperson Lt. Michelle Sabino, nagpapatuloy ang mga ito dahil may mga tao pa rin na nagpapaloko sa mga ito.
Ang nakikitang solusyon dito ni Sabino ay ang pagregister sa mga sim cards na gamit ng mga scammer.
Una nang sinabi ni Sabino na malaki ang tulong ng panukalang SIM (Subscriber Identity Module) Card Registration Act para matukoy ang mga scammer.