Puerto Galera, balak hagisan ng langis

Puerto Galera, balak hagisan ng langis

IKINALUNGKOT ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor ang ulat na mayroong nakitang isang plastic bag na naglalaman ng 20 liters ng langis sa isang beach sa Brgy. Sto. Niño at isang drum na naglalaman ng 200 litro ng langis sa isang beach sa Brgy. San Antonio.

Ayon sa ulat, may ilang indibidwal ang nakitaang nagdala sa mga ito na kasalukuyang pinaghahanap na ng mga awtoridad.

Sa isang press briefing, naglagay agad si Dolor ng P200-K na pabuya sa makapagtuturo sa mga suspek.

Ani Dolor, kasalukuyang may problema ang mga karagatan ng probinsiya at sinasadya pang dagdagan ng ilang walang pagmamalasakit.

Sa ngayon, isang bilyon piso na ang halaga ng pinsala at pagkawala sa resulta ng oil spill sa Oriental Mindoro.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter