TINANGGAP ni Russian President Vladimir Putin ang mga imbitasyon sa kaniya na bumisita sa Thailand at Vietnam.
Ang Thailand na hindi kasapi sa International Criminal Court (ICC) Rome Statute ay pinanatili ang malapit na kooperasyon nito sa Russia.
Ang Vietnam naman ay pinanatili rin ang matibay na relasyon sa Russia mula pa noong panahon ng Soviet Union.
Kasabay ng ginanap na Belt and Road Forum sa Beijing ay masayang tinanggap ni Putin ang imbitasyon ni President Vo Van Thuong na bisitahin ang Vietnam.
Samantala, tinanggap din ni Putin ang imbitasyon ni Thai Prime Minister Srettha Tavisin na magsagawa ng opisyal na pagbisita sa Thailand sa susunod na taon.
Matatandaan na binago ng Thailand kamakailan ang visa arrangements para hayaang makabisita sa bansa ang mga Russian sa loob ng tatlong buwan mula sa orihinal na 30 araw.