QC government, magpapadala ng tulong sa Roxas City, Capiz na nasalanta ng Bagyong Paeng

QC government, magpapadala ng tulong sa Roxas City, Capiz na nasalanta ng Bagyong Paeng

INIHAHANDA na ng Quezon City government ang mga ipapadalang tulong sa Roxas City, Capiz na isa sa mga lubhang nasalanta ng pananalasa ng Bagyong Paeng kamakailan.

Kabilang sa mga relief assistance na dadalhin sa mga biktima ng bagyo ay mga food pack, jerry cans, hygiene kits, at COVID-19 kits.

Ang relief assistance sa mga nasalantang probinsya at siyudad ay alinsunod sa utos ni Mayor Joy Belmonte.

Pangungunahan naman ang pagpapadala nito ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Social Services Development Department (SSDD) at Public Affairs and Information Services Department (PAISD).

Follow SMNI NEWS in Twitter