QC LGUs ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika ngayong Agosto

QC LGUs ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika ngayong Agosto

NAG-alay ng misa bilang pag-alala sa ika-80 taong anibersaryo ng pagpanaw ni Pangulong Manuel L. Quezon ang lokal na pamahalaan ng Quezon City katuwang ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Binasbasan at nag-alay ng panalangin si Rev. Fr. Rey Hector Paglinawan ang puntod ni Pangulong Quezon na matatagpuan sa loob ng ground ng Quezon Memorial Circle ng lungsod.

Kasunod ng misa ay opisyal nang inilunsad ng KWF ang selebrasyon para sa Buwan ng Wikang Pambansa 2024 na may temang Filipino: Wikang Mapagpalaya.

Ang espesyal na programang ito ay bilang pag-alala kay Pang. Quezon na siya ring Ama ng Wikang Pambansa dahil sa kanyiang adbokasiyang magkaroon ng iisang wika at pagkakakilanlan ang bawat Pilipino.

Dumalo bilang kinatawan ni QC Mayor Joy Belmonte si NHCP Executive Director Carminda Arevalo, at iba pang opisyal.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble