Dating hepe ng Eastern Visayas Police, itinalaga bilang bagong PNP Chief

Dating hepe ng Eastern Visayas Police, itinalaga bilang bagong PNP Chief

PINANGALANAN na ng Malacañang ang pinakabagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Sa change of command ceremony sa Camp Crame, Quezon City—pinangalanan si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang ika-30 hepe ng Pambansang Pulisya.

Bago italaga bilang PNP Chief, dating officer-in-charge ng Directorate for Comptrollership si Marbil.

Naging hepe rin nito ng Eastern Visayas PNP, kung saan ang constituency ni House Speaker Martin Romualdez sa Tacloban City.

Bago ang change of command ceremony, naunang kinumpirma ng Malacañang na itatalaga muna si Police LtGen. Emmanuel Baloloy Peralta bilang PNP-OIC.

Ngunit, pinangalanan si General Marbil bilang bagong PNP Chief sa mismong change of command rites, araw ng Lunes, April 1, 2024.

Nagpasalamat naman si General Acorda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkakataon na ibinigay sa kaniya para maging hepe ng PNP.

“Your visionary has been the driving force behind our achievements,” mensahe ni Acorda kay Marcos Jr. na nanguna sa change of command.

11 buwan itong naging PNP Chief, kasama na ang 3 buwang extension of service matapos palawigin ang kaniyang termino noong Disyembre 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter