QC Mayor Joy Belmonte, muling nakatanggap ng parangal bilang “Newsmaker of the Year 2024”

QC Mayor Joy Belmonte, muling nakatanggap ng parangal bilang “Newsmaker of the Year 2024”

MULING nakatanggap ng parangal si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang “Newsmaker of the Year” mula sa Manila Bulletin para sa taong 2024.

Ang pagkilala na iginagawad sa 10 personalidad o organisasyon na nakapagbigay ng inspirasyon sa bansa dahil sa kanilang matagumpay na kuwento, inisyatibo, at proyekto.

Tinukoy sa parangal ang mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon para sagipin ang kalikasan, na nagbunga ng pagkamit ni QC Mayor Belmonte ng pinakamataas na environmental honor mula sa United Nations, ang ‘Champion of the Earth’ award.

Hinikayat ni Mayor Joy Belmonte, na makiisa ang lahat sa adbokasiya na protektahan ang kapaligiran at ingatan ang kalikasan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble