QC, nagpasalamat sa COA matapos kilalaning pinakamayamang siyudad sa bansa

QC, nagpasalamat sa COA matapos kilalaning pinakamayamang siyudad sa bansa

NAGPAABOT ng pasasalamat si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa tanggapan ng Commission on Audit (COA).

Ito ay matapos kilalanin ng COA ang lungsod bilang pinakamayamang siyudad sa bansa.

Mababatid, ito ang ikalawang sunod na taong kinilalang “Richest City” ang QC batay sa Annual Financial Report on Local Governments ng COA.

Nakasaad dito na umabot sa P451-B ang assets ng Quezon City noong 2021.

Sinabi ni Mayor Joy na ang pagkilalang ito ay bunga ng kanilang mahusay na pangangasiwa sa pamahalaan partikular na sa fiscal reforms.

Pagtitiyak pa ng alkalde, pagbubutihin pa ang mga estratehiya para mapaunlad ang lungsod.

Mababatid na maliban sa QC, ilan pa sa lungsod na pasok sa richest cities ang Makati City, Maynila, Pasig, Taguig, Cebu, Mandaue, Mandaluyong, at Davao City.

Follow SMNI NEWS in Twitter