NAGLATAG ang Quezon City Police District (QCPD) ng bike patrollers at dart team sa mga malalaking mall sa Quezon City.
Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng maraming tao sa nasabing mga establisyemento ngayong Kapaskuhan.
Pinangunahan mismo ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan ang installation ng mga puwersa nito kasabay ng inspection sa isang mall sa Quezon City.
Ayon kay General Maranan, pawang malalaking malls lamang ang lalagyan ng bike patrollers at District Anti-Crime Reaction Teams habang mayroon namang maayos na police visibility ang QCPD gamit ang mobile cars nito.
Sa kabuuan mayroon nang 3,500 na mga tauhan nito ang naipakalat sa buong Quezon City at pagdating ng Disyembre 15, buong puwersa naman nito ang ilalatag sa buong lungsod.