MAAGANG natapos ang kampanya ng 22-time major champion na si Rafael Nadal sa Paris Masters.
Ito ay matapos talunin ni Tommy Paul ng Amerika sa round of 32 sa iskor na 3-6, 7-6, 6-1.
Naging dikit naman ang laban ng dalawang manlalaro sa first set kung saan nagtabla pa ang kanilang score na 3-3 habang sa second set ay umabot ito sa tie-break na naging pabor kay Nadal.
Gayunpaman, mabilis na nakuha ng American player ang advantage sa final set.
Ito naman ang kauna-unahang pagkatalo ng Spaniard tennis player bilang tatay at unang pagkakataon din na hindi ito nakaabot sa quarter-final ng naturang torneyo.