Rafael Nadal, magreretiro na sa tennis; 2024, huling taon na ng kaniyang karera

Rafael Nadal, magreretiro na sa tennis; 2024, huling taon na ng kaniyang karera

NAG-withdraw ang Spanish tennis veteran na si Rafael Nadal mula sa French Open ngayong 2023.

Ito’y dahil hindi pa lubos na naka-recover si Nadal mula sa kaniyang hip injury na nakuha mula sa Australian Open noong January 2023.

Maaaring hindi na siya sasali sa Wimbledon at United States Open.

Bagamat hindi pa gaanong tiyak, sinabi na rin ni Nadal na posibleng huling taon na ang 2024 para sa kaniyang professional career.

Ipinaliwanag ni Nadal na hindi niya ito personal na desisyon kundi mismong desisyon na ng kaniyang katawan.

22 Grand Slam Single titles na ang nasungkit ni Nadal sa kaniyang buong karera.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter