MULING nakuha ni Novak Djokovic ang top spot ng ATP Ranking matapos nitong makuha ang kanyang 22nd Grand Slam title sa nagtapos na Australian Open.
Umakyat ng 4 na pwesto ang 25-year-old Serbian na si Djokovic at napaalis ang dating top player na si Carlos Alcaraz ng Spain na hindi nagawang makasali sa tournament dahil sa injury.
Dahil sa ika-sampung Australian Open title ni Djokivic, siya na ang world no.1 para sa 374th week simula July 2011.
Si Stefanos Tsitsipas naman ng Greece na natalo kay Djokovic sa straight sets sa finals ng Australian Open ay nalagpasan na ang Norweigian na si Casper Ruud upang umakyat sa ikatlong pwesto.
Si Andrey Rublev naman na dinomina ni Djokovic sa quarterfinals ng Australian Open ay umakyat sa ika-limang puwesto. top spot ng ATP
Samantala, nalaglag naman sa ika-anim na puwesto ang long-time rival ni Djokovic na si Rafel Nadal mula sa ika-apat na puwesto sa ika-anim na puwesto matapos ang kagulat-gulat na pagkatanggal nito sa second round ng torneyo.