NAKABAWI na ang Rain or Shine Elastopainters mula sa kanilang pagkatalo kontra Converge FiberXers kamakailan.
Ito’y dahil sa January 16 game nila vs. Northport Batang Pier sa nagpapatuloy na 49th season ng PBA Commissioner’s Cup, naipanalo nila ang laban sa iskor na 127-107.
25 points ang ambag ni Deon Thompson para sa Elastopainters; tig-16 points sina Adrian Nocum at Leonard Santillan; habang 13 points ang kay Andrei Caracut.
12 points naman kay Anton Asistio at 11 points kay Keith Datu.
Samantala, Magnolia Chicken Timplados Hotshots ang panalo vs. Phoenix Fuelmasters sa iskor na 110-104.
25 points din ang ambag ni Zav Lucero para sa Hotshots; tig-22 points sina Ricardo Ratliffe at Mark Barroca; at Peter Alfaro na may 14 points.