JUST to be clear, ang Senado po ay pro-development and pro-progress-kaya nga nagpasa po kami ng vital economic reforms tulad ng PSA, FIA, and the Retail Trade Liberation Act, para mas mapabilis ang pagsikad ng ating ekonomiya.
Hindi po nanggaling sa Senado ang paglarga ng pekeng People’s Initiative–alam naman po ng lahat kung saan ito nagsimula, binuo at inilatag.
Dapat alam po ng mga taong nasa likod ng People’s Initiative na may negatibo’t direktang impact ang mga ganitong patagong galawang Cha-Cha sa ating ekonomiya–pero itinuloy pa rin nila.
Investors value stability, and we are dedicated to addressing this matter with the seriousness it deserves. Rest assured, the Senate’s commitment to economic growth and foreign investment remains unwavering.
Hindi po natin hahayaang manaig ang interes ng iilan, kasi palaging talo ang taumbayan.