MAGPAPATUPAD ng red alert status ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa darating na Simbang Gabi na magsisimula ngayong Disyembre 16.
Ayon kay NCRPO chief Police Major Gen. Jose Melencio Nartatez, wala silang personnel na pagbibigyang maka-leave dahil nais nilang tiyakin na makatulog na ligtas ang publiko.
Ang hakbang ay kasunod na rin sa naganap na bombing attack sa Mindanao State University (MSU) noong Disyembre 3 sa kalagitnaan ng isang Sunday morning mass.
Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) PIO chief PCol. Jean Fajardo na walang dapat ikabahala dahil fully-monitored ang Metro Manila laban sa anumang banta.