HINIHIKAYAT ng Australian actress at film producer na si Cate Blanchett ang European Union na mas paglaanan ng tulong ngayon ang mga refugee kasama na ang kanilang host countries.
Kasunod ito sa planong baguhin ang asylum at migration rules ng samahan para mabawasan ang irregular migration at member countries.
Nauna nang nagsabi ang Italy na ikinokonsidera nilang magtayo ng mga pasilidad sa Albania para sa mga refugee na nais tumungo sa kanilang bansa.
Ang actress ay nagsisilbing Goodwill Ambassador para sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR).