ISASAPRAYORIDAD ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasapribado ng Iloilo airport.
Sa pahayag ni DOTr Sec. Vince Dizon, bibilisan nila ang pagproseso sa P20B na public-private partnership proposal para sa rehabilitasyon ng naturang paliparan.
Subalit bago pa maisakatuparan ang partnership proposal, naglaan na ang pamahalaan ng P190M para sa inisyal na mga repair na maaaring gagawin sa terminal building ng Iloilo airport.
Saklaw rito ang upgrading ng air-conditioning units, escalators, passenger seats at restrooms.
Follow SMNI News on Rumble