Rekomendasyon ng BOC para sa investment hub project, aprubado na ng NEDA

Rekomendasyon ng BOC para sa investment hub project, aprubado na ng NEDA

PINASALAMATAN ng Bureau of Customs (BOC) ang National Economic Development Authority (NEDA) matapos nitong inaprubahan ang rekomendasyon ng BOC – Port of Davao na magbuo ng action plan ang Technical Working Group para sa logistics at investment hub project.

Nauna diyan ay iprinisenta ni District Collector Erastus Sandino Austria ang proyekto noong nakaraang NEDA 4th Quarter 2022 Regular Meeting.

Layunin ng BOC-Port of Davao na makakuha ng suporta at technical assistance mula sa iba’t ibang agencies na may kaugnayan sa plano.

Bukod diyan ay nais din ng BOC Davao na mas palakasin pa ang business environment sa buong Davao Region at mapagbuti ang economic performance.

Follow SMNI NEWS in Twitter