MANANATILING maganda at malakas ang relasyon ng Switzerland at Pilipinas ayon sa positibong pananaw ng Swiss Embassy sa selebrasyon nito ng ika-65 taong ‘diplomatic relations’ sa pagitan ng dalawang bansa.
Nakasentro sa innovation at sustainability ang selebrasyon ng Swiss Embassy sa 65 taong magandang relasyon nito sa Pilipinas.
Naniniwala si Swiss Ambassador to the Philippines Alain Gaschen na patuloy pang mas lalakas ang ugnayan ng dalawang bansa.
Inaasahan ng embahada na mas marami pang investments at oportunidad sa mga darating na panahon katuwang ang pamahalaan ng Pilipinas.
“We have a whole range of sectors now, we think there is a potential of growth and basically that includes health, pharmaceutical, transportation, railway, green tech and many other sectors. So, the potential is huge we have now a Swiss chamber in the Philippines since a month we will gather tomorrow so you can expect…more investments from both sides hopefully between the Switzerland and the Philippines,” pahayag ni Swiss Ambassador Gaschen.
Samantala, inilunsad ng embahada ang kanilang tourism program kung saan inaasahan nila ang pagdami ng mga bibisita sa Switzerland mula sa Pilipinas.
Ayon kay Switzerland Tourism Markets East Head Simon Bosshart na isa ang Maynila sa apat na lungsod sa buong mundo kung saan nais nilang i-market ang kanilang turismo.
Kabilang sa iba pang mga lungsod ay ang Riyadh, Tel Aviv at Mexico.
Paliwanag ni Bosshart na sa higit 900 na lungsod sa buong mundo hanggang sa naibaba sa 140, ang Pilipinas ang isa sa mga may populasyon na may kakayahang bumiyahe sa Switzerland.
Kinakailangan pa ng visa upang makapagbiyahe patungong Switzerland.
Pero pagdating doon hindi na poproblemahin ng mga turista ang tungkol sa COVID-19 testing, quarantine at iba pang restriksyon.
“We don’t have any restrictions of COVID testing whatever quarantine. This is a long we never had actually quarantine and the testing might depend on the airlines but it’s easy now I’ve been travelling to Switzerland a couple of times no COVID test, no nothing. It’s just the mask in the plane that’s it,” ayon kay Gaschen.
Pero kailan nga ba ang pinaka the best na panahon na bumiyahe patungong Switzerland?
“Switzerland has four seasons so all the seasons have different offerings. So of course if you like the cold and winter it’s one of the best places to visits in Switzerland of course spring and autumn are also one of my favorite because there’s different things to see like the autumn foliage, the spring are you know the beautiful landscape as well and summer if you have long holiday during the summer I think that’s beautiful season to travel,” pahayag ni Rudy Wiratno, sales and marketing manager, Swiss Travel System, South East Asia.
Ipinagmamalaki rin ng Swiss Tourism ang kanilang public transport.
Isa rito ang kanilang train system kung saan mai-enjoy ng mga turista ang iba’t ibang tanawin habang bumabiyahe.
May payo naman ang Swiss-born Filipino actress na si Sara Labahti Gutierrez sa mga Pinoy na nais tumungo sa Switzerland.
“It’s all about planning, getting organized before trip to make sure that the trip goes smoothly and to make sure makatipid but it is doable for sure,” payo ni Sara.