TUMAAS ng 2.5 percent nitong buwan ng Enero ang cash remittances sa mga bangko ng mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Ito ang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos umabot sa 2.668 bilyong dolyar ang cash remittances noong Enero ngayong taon mula sa 2.603 bilyong dolyar sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Paliwanag pa ng BSP, ang pagtaas ng cash remittances ay dahil sa pagtaas ng mga resibo mula sa mga land-based at sea-based workers.
Naitala naman sa Estados Unidos, Japan at Singapore ang malalaking cash remittances ng mga overseas Filipinos ngayong taon.
Bukod dito, tumaas din ng 2.5 percent ang personal remittances ng mga Pinoy sa abroad nitong Enero.
Mula sa 2.895 bilyong dolyar ay umabot na ito ngayon sa 2.966 bilyong piso.
Sinabi naman ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang patuloy at matatag na daloy ng remittance ng mga Pilipino sa ibayong-dagat ang nakapag-ambag para sa matibay na macroeconomic performance ng bansa.