NAGSALITA na si Justice Secretary Boying Remulla matapos patutsadahan ng iba’t ibang paratang ni suspended BuCor Chief Gerald Bantag.
Sa panayam kay Bantag, pinagbibitiw nito sa pwesto si Remulla sa isyu ng iregularidad at paggamit ng marijuana.
Sa kanyang mensahe sa SMNI News, giit ni Remulla na hindi nito papatulan ang mga pahayag ng suspendidong BuCor Chief.
Ani Remulla, parehas lamang ang sagot niya mula noon hanggang ngayon sa mga isyu kay Bantag at iginiit na harapin na lamang nito ang mga kaso.
”Hindi ko na papatulan yon. Same answer. Face the charges like a real man,” ani Remulla.
Bilang public official, dapat magpakalalalaki raw si Bantag na harapin ang mga isyu sa halip na magsalita sa media.
Banat pa ni Remulla kay bantag na ‘talk is cheap’ at naunang sinabi na dapat makipagtulungan na lamang ito sa imbestigasyon.
Ginawa naman ng kalihim ang pahayag habang ito ay nasa Geneva Switzerland para sa UN Human Rights F—-orum kung saan ipinagtatanggol nito ang Pilipinas sa harap ng international community laban sa mga isyu ng umano’y human rights abuse na nangyayari sa bansa.