Rep. Marcoleta, tiniyak na mapapalitaw ang nasa likod ng sugar importation

Rep. Marcoleta, tiniyak na mapapalitaw ang nasa likod ng sugar importation

HINDI maitatago ang mga taong nasa likod ng kontrobersiyal na sugar importation.

Ito ay ayon kay SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta sa panayam ng SMNI News.

Aniya, ang bibilis magsi-resign ng ilang opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ngunit hindi nila maitatago ang mga nasa likod ng anomalyang nangyayari hinggil sa suplay ng asukal sa bansa.

Naihirit din ni Marcoleta na nakapagtataka ang naging hakbang ni resigned Agriculture Undersecretary for Operations Leocadio Sebastian.

Ani Marcoleta, nakuha nitong sumangguni kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa ninanais niyang sugar reclassification ngunit hindi sa sugar importation na mas importanteng isyu.

Sa huli, tiniyak ni Marcoleta na kanyang mapapalitaw ang mga sangkot kaugnay sa importation.

Follow SMNI NEWS in Twitter