Rep. Ralph Recto, isinusulong ang pagpatatayo ng karagdagang silid-aklatan

Rep. Ralph Recto, isinusulong ang pagpatatayo ng karagdagang silid-aklatan

HINIMOK ni Batangas 6th District Rep. Deputy Speaker Ralph Recto ang pamahalaan na muling magpatayo ng karagdagang silid-aklatan.

Ayon kay Recto, ito’y para mapabuti muli ang reading comprehension ng Pilipinas na panghuli sa 79 na bansang isinailalim sa 2018 Programme for International Student Assessment (PISA) ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD).

Aniya, pinapapondohan niya sa 2023 ang mga library para mahikayat ang mga kabataan na magbasa.

Dagdag pa nito, na naihahanda rin ng pagbabasa ang kanilang mga isipan para sa mas malalim na pag-unawa sa siyensiya, matematika, economics at iba pa.

Matatandaang noong 2006, 120 milyong halaga ang inilaan sa pambansang pondo para sa pagpatatayo ng 60 silid-aklatan at 12 learning resource centers.

 

Follow SMNI News on Twitter