NA-DELAY ang repayment para sa Fukushima nuclear plant clean-up kasunod ng nuclear disaster noong 2011.
Ayon sa ulat ng board of audit, ang delay na ito ay nag-uugat sa problemang pinansyal ng Tokyo Electric Power Co Holdings.
Ayon pa rito, ang kabuuang proseso ay maaaring umabot sa apatnapung taong.
Matatandaan na ang nuclear plant ay nakaranas ng tripleng metldown kasunod ng 2011 earthquake at tsunami.
Ito ay nagbuga ng maraming radiation na nagdulot ng kontaminasyon sa malalapit na lugar na nagdulot sa paglikas ng libu-libong katao.
Ang pondo na nailaan para sa labing isang taon ng nuclear disaster na ito ay umaabot na sa dalawamput dalawang trilyong yen.
Ayon sa board of audit, sa buwan ng Abril, ang gobyerno ay nakapag-ambag ng higit sa sampung trilyong yen na no-interest loans sa Tepco para sa plant cleanup, decontaminatiion sa paligid at kompensasyon sa mga indibidwal na naapektuhan ng nuclear disaster.
Una na ngang sinalo ng gobyerno ng Japan ang kompensasyon sa pamamagitan ng pera na hiniram mula sa ilang pinansyal na institusyon.
Sa ngayon ay binabayaran ng Tepco ang mga utang na ito sa pamamagitan ng kita mula sa electricity bills nito.