Reporma sa PCOO, pinakamalaking hamong hinarap ng Duterte Communications Team – Andanar

Reporma sa PCOO, pinakamalaking hamong hinarap ng Duterte Communications Team – Andanar

ITINUTURING na pinakamahirap na trabaho ni Communications Secretary Martin Andanar ang ginawang reporma na kaniyang inilatag sa Presidential Communication Operations Office (PCOO) at mga attached agencies nito.

“Reforming the entire bureaucracy of PCOO, and the attached agencies. That was really tough but ano naman tayo, mga media men and women naman tayo at sanay tayo sa hirap ng trabaho,” pahayag ni Andanar.

Una nang sinabi ni Andanar na mahalaga ang mga repormang ipinatupad sa PCOO sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang maipabatid sa taumbayan ang mga ginagawa ng gobyerno.

Sinabi rin ni Andanar na umaasa itong maipagpapatuloy ng susunod na press secretary ang mga magagandang programa ng PCOO na pamumunuan ni Press Secretary-designate Atty Trixie Cruz-Angeles.

Samantala, umaasa si Andanar na ipagpapatuloy ng Marcos administration ang pagtatatag ng government media hubs sa Visayas at Mindanao at ang pinaplano nitong Government Communications Academy.

Follow SMNI News on Twitter