MAGKAKAROON ng tatlong araw na pagbisita sa Seoul ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) representatives ng United States, Britain, Italy, Denmark, the Netherlands, Czech Republic, Romania, at Poland.
Sa pagbisita, plano ng mga ito na makipagpulong sa top government officials sa Seoul kabilang na si Defense Minister Shin Won Sik at First Vice Foreign Minister Chang Ho-Jon.
Dadalo rin ang mga ito sa sa forum ukol sa programa sa mga kababaihan at seguridad na pangungunahan ng United States Embassy sa Seoul.
Ang pagbisita ng mga ito sa South Korea ay bibihira lamang dahil hindi NATO member ang bansa.