MALI ang researchers ng Department of Finance (DOF) hinggil sa sugar importation.
Ito ang sinabi ni United Sugar Producers Federation (UNIFED) Pres. Manuel Lamata sa panayam ng SMNI News.
Aniya, ikamamatay ng local production ang pagbubukas ng importasyon para sa lahat lalo na ang industrial users.
Suhestiyon ni Lamata, ang mga accredited international traders lang na bumibili rin sa local producers ang tanging pagbigyan na makapag-import ng asukal at hindi ang industrial users.
Sa kanilang binibili, nakabebenepisyo ang publiko subalit sa industrial users, sila lang ang nakabebenepisyo.
Sinabi ni Lamata, limang milyong Pilipino ang umaasa sa local sugar industry.
Dagdag pa nito, maganda kung mapalalakas ang lokal na produksiyon sa bigas, mais, at asukal para maging self-sufficient at hindi na mag-iimport ang bansa.