PABIBILISIN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatupad ng resilient infrastructure programs sa buong Mindanao.
Bilang tugon nila ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kabila ng nararanasang malawakang landslide, pagbaha, at pag-ulan sa rehiyon.
Batay sa national adaptation plan, target ang pagtatayo ng mga imprastraktura na nakatutulong para matugunan ang mga problema hinggil sa food security, water resources, health, ecosystems at biodiversity, population migration, at maging sa pangangalaga ng cultural heritage.
Sa tansya ayon kay DENR Sec. Maria Antonia Loyzaga, kung hindi ipatutupad ang nabanggit na infrastructure programs ay aabot na sa P1.4-T ang pinsalang maidudulot nito pagdating ng taong 2030.