Resulta ng barangay election, napakahalaga—PBBM

Resulta ng barangay election, napakahalaga—PBBM

BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kahalagahan ng resulta ng bawat barangay election sa bansa.

Ayon sa Pangulo, sa lahat ng nahalal na opisyal, ang barangay officials ang makakapagsabi o makapangako ng bilang ng boto na ibibigay nito.

“Of all the elected officials, it’s the brgy. officials who can actually tell you I will deliver these many votes, ‘pag sinabi ng mga brgy. na magdedeliver ako sayo ng 350 votes, asahan mo 350 ‘yun, totoo ‘yun kaya’t napakahalaga ng resulta nun para sa aming mga pulitiko, napakahalaga ang resulta ng brgy. election,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Dagdag ni Pangulong Marcos na sa kanilang assessment kung minsan nagiging napakainit ang barangay election dahil talaga aniyang crucial ito.

“That’s why sa amin assessment kung minsan nagiging napakainit ang brgy. election dahil talagang crucial ‘yan at it is held at a very intimate personal level, that’s why talagang nagkakainitan nang husto kaya’t ‘yun ang ating gustong iwasan,” ani Pangulong Marcos.

Talaga aniyang nagkakainitan nang husto pagdating sa barangay election kaya ito’y gustong maiwasan ng Pangulo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter