ILALABAS na ngayong araw ng Lunes, Hulyo 31, ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) katuwang ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring insidente sa Binangonan, Rizal na ikinasawi ng 27 katao.
Ito ang kinumpirma ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo.
Sa ngayon ay inalis na sa puwesto ang station commander ng PCG sa Binangonan, Rizal para bigyang-daan ang isang patas, honest at transparent na imbestigasyon.
Matatandaan na tumaob ang M/B AYA Express noong Biyernes ng alas-singko ng hapon kung saan 27 pasahero ang nasawi at nasa 43 ang nakaligtas.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PCG, nasa 42 lang ang kapasidad ng motorbanca.
Nagpapatuloy naman nitong weekend ang search at retrieval operation ng PCG sa insidente.