351 babaeng coast guardians, nagtapos ngayong buwan

351 babaeng coast guardians, nagtapos ngayong buwan

NAGTAPOS ngayong buwan ang 351 babaeng coast guardians.

Personal na binati ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu ang 351 kababaihang miyembro ng Coast Guard Non-Officers’ Course (CGNOC) Class 97-2022 ‘Alab-Hiraya’.

Nagtapos sila sa ilalim ng coast guard training sa PCG Regional Training Center-La Union noong Hunyo 27, 2023.

Sa kaniyang mensahe sa ginanap na graduation ceremony, pinuri ng komandante ang lakas at tatag ng mga bagong Female Coast Guardians.

Iginiit ni Abu na walang pinipiling kasarian sa paglilingkod sa bayan, ang mahalaga aniya ay nakahanda itong mag-alay ng buhay sa pagtatanggol sa bayan.

“Your achievement today is a reminder to your fellow Filipinas, that there is no limit to what women can accomplish. I have faith that through your servant leadership, the day will come when no girl will ever have to hear the phrase — women can’t, because they saw by your example that women can,”  ayon kay CG Commandant Artemio Abu.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter