Retaliatory attacks kontra Iraq, Yemen at Iran na panig sa Hamas, isinasagawa rin ng Israel sa kasalukuyan

Retaliatory attacks kontra Iraq, Yemen at Iran na panig sa Hamas, isinasagawa rin ng Israel sa kasalukuyan

IPINABATID ng Israel na nagsasagawa rin sila ng retaliatory attacks kontra Iraq, Yemen at Iran na pawang nakikisimpatiya sa Hamas militant group.

Sa katunayan, mula sa pitong puwersa gaya ng Lebanon, Syria, Judea at Samaria, Iraq, Yemen at Iran kasama na ang Gaza ang hinaharap ng Israel ngayon ayon kay Israeli Defense Minister Yoav Gallant.

Samantala, nauna namang sinabi ng Israel na hindi sila aatras o hihinto sa mga pag-atake laban sa Hamas hangga’t hindi mauubos ang mga miyembro nito.

Sa kabila ito ng pagdadalamhati ng mga Palestinian para sa mahigit 100 katao na nasawi dahil sa airstrike ng Israel noong araw ng Pasko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble