NAGING matagumpay ang retrieval operations ng MMDA K-9 SAR, Muntinlupa K-9 SAR, at Philippine Air Force ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa MMDA, tumulong ang ahensya sa search and retrieval operations ng ilang tao na natabunan ng gumuhong lupa sa Sitio Mabuhay, Barangay San Luis sa Malitbog, Bukidnon.
Dagdag ng MMDA na ang kanilang susunod na destinasyon ay sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao sa hiling ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sakay ng aircraft ng Philippine Air Force papunta ng probinsya, sila ay muling tutulong sa ongoing search, rescue, retrieval operations ng mga tao na nawawala dahil sa matinding baha at landslide dulot ng Bagyong Paeng.