POSIBLENG tataasan ng Department of Finance (DOF) ang kanilang revenue target para ngayong taon.
Ayon kay DOF Sec. Benjamin Diokno, ito’y dahil nakikita nila na mataas ang koleksiyon ng bansa batay sa record ng naunang limang buwan.
Sa datos, sa January-May period, 10. 83% o katumbas ng P1.6-T na ang state revenues kumpara sa P1.437-T sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ngayong taon ay nasa P3.729-T lang ang projected revenue ng Development Budget Coordination Committee.
Hindi pa masabi ni Diokno kung magkano ang itataas nila.