“Rewind”, highest-grossing film ngayon sa bansa

“Rewind”, highest-grossing film ngayon sa bansa

TINAGURIANG highest-grossing film ngayon sa bansa ang pelikulang “Rewind” nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sa Enero 17 update, P845-M na ang gross local at international sales nito.

Mula sa naturang pigura, P815-M ang local sales ng tinutukoy na pelikula.

Dahil dito, kasama na ang Rewind sa listahan ng high-grossing films gaya ng “Hello, Love Goodbye” na may P691-M na domestic sales at “The Hows of Us” na may P660-M.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter