KARAMIHAN sa mga naitalang road accidents nitong Semana Santa ay may kinalaman sa motorsiklo.
Mula Abril 13–19, 2025 ayon sa Department of Health (DOH), umabot ng 383 ang kaso ng road accidents mula sa 50 reporting sites sa buong bansa.
296 mula sa mga aksidente ay may kinalaman sa motorsiklo kung saan lima ang nasawi.
324 naman sa mga sangkot batay sa datos ay hindi nakasuot ng mga safety accessory tulad ng helmet at seatbelt.
Ang pagkalasing ay naging sanhi rin sa 31 road incidents ayon sa DOH.
Sa kabila nito ay 32 percent ang ibinaba ng mga kaso kumpara noong taong 2024.